Ni FER TABOY

Patay ang limang katao, kabilang ang tatlong bata, makaraang pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa San Jose del Monte, Bulacan, kahapon.

Ayon sa San Jose Municipal Police, magkakahiwalay na natagpuan ang bangkay ng magkakapatid na sina Donni Carlos Dizon, 11; Ella Dizon, 7; at Dexter Carlos Dizon, Jr., isang taong gulang.

Patay din ang ina ng mga bata na si Estrella Dizon, 35; at ang biyenan nito at lola ng mga bata na si Auring Dizon, 53 anyos.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Batay sa pagsisiyasat, nakitaan ng mga palatandaan na ginahasa ang ina at lola ng mga bata bago pinatay ang mga ito.

Sinabi ni Chief Insp. Fitz Macariola, ng San Jose Del Monte Police, na nangyari ang pagpatay sa Northridge Royale Subdivision sa Barangay Sto. Cristo sa San Jose del Monte.

Ayon sa pulisya, natuklasan ng ama ng mga bata, si Dexter Dizon, ang krimen dakong 9:00 ng umaga kahapon nang dumating ito mula sa trabaho.

Lumabas naman sa inisyal na imbestigasyon na walang indikasyon na sapilitang pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima.

May hinala ang pulisya na pagnanakaw ang motibo sa krimen.