NAUNGUSAN ng Colegio de San Lorenzo-V Hotel ang liyamadong FEU-NRMF-Gerry's Grill sa makapigil-hiningang 87-85 panalo para makumpleto ang Cinderella story sa 2017 MBL Open basketball championship.

Nagpakitang-gilas si Soulemane Chabi Yo sa kabuuan ng labanan upang pangunahan ang mistulang fairy-tale finish ng Griffins laban sa itinuturing na super team na Tamaraws.

CDSL_JUNE27 copy copy

Hataw ang 6-foot-6 import mula sa Benin sa natipang 28 puntos sa kabila ng mahigpit na depensa nina FEU imports Moustapha Arafat at Kareem Abdul ipang pamunuan ang Griffins nina CdSL president Rina Monique Balgan, executive director Dr. Pedro Lora, manager Jimi Lim at coach Boni Garcia sa una nitong titulo sa MBL.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Nahirang na Most Valuable Player si Chabi Yo.

Nakatuwang niya sina Dominic Formento, Jon Gabriel, Charles Callano at Argie Baldevia para CdSL, nagtapos na may 9-1 karta sa elimination round ng kompetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry's Grill.

Nag-ambag si Formento, isa sa mga pinakamaliit na manlalaro sa liga, sa nakubrang 19 puntos tampok ang apat na triples.

"Malaking karangalan ito para sa amin," pahayag ni Garcia, na una ng nanalo ng titulo sa NCRUCLAA ngayong taon.

Nanguna si Jhaps Bautista sa FEU-NRMF sa kanyang 18 puntos, bagamat may dalawa siyang nakapanglulumong turnovers sa huling minuto ng laro.

Nagdagdag sina Arafat at Christian Manalo ng tig-11 puntos, habang si Fil-Canadian Clay Crellin ay may siyam na puntos.

Ang ex-PBA star na si Jerwin Gaco ay napatalsik sa laro dahil sa above-the-shoulder hit kay Gabriel sa unang bahagi ng laro.

Bagama’t nawala si Gaco naging kapana-panabik ang sagupaan.

Ang Pido Jarencio-coached Tamaraws ay maagang nabaon ng 20 puntos sa second period pa lamang subalit hindi nawalan ng loob at buong tapang na lumaban.

Ilan ulit na dumikit ang Tamaraws ng dalawang puntos laban sa Griffins sa tulong ng matikas na paglalaro sa fourth quarter sa kagalakan ng madaming manonood.

Subalit tuluyan naglaho ang kanilang tsansa na dalhin ang laro sa overtime matapos mabitawan ni Bautista ang bola habang nagtatangka na itabla ang iskor sa kanyang drive sa huling 10 segundo ng laro.

Nakasama ni Chabi Yo sa mythical team ng MBL ang kanyang teammate na si Formento, Crellin ng FEU-NRMF, Mike Ayonayon ng PCU at Alex Diakhite ng Diliman.

Iskor:

CdSL-V Hotel (87) -- Chabi Yo 28, Formento 19, Gabriel 15, Callano 11, Baldevia 7, Borja 4, Castanares 2, Rosas 1, Laman 0.

FEU-NRMF-Gerry's Grill (85) -- Bautista 18, Arafat 11, Manalo 11, Morales 11, Crellin 9, A. Santos 6, Gaco 4, Sta. Maria 4, Tan 3, Zamora 3, Abdul 2, Santos 2, Gumabay 1, Camacho 0.

Quarterscores: 29-18, 48-34, 68-54, 87-85.