Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

6:30 n.g. -- Talk N Text vs. San Miguel Beer

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

BALIK sa wala ang pormang hinubog ng Talk ‘N Text Katropa nang makuha ng San Miguel Beer ang panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-seven champion ship nitong Biyernes sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup.

Walang nakalalamang, ngunit tangan ng Beermen ang bagong kumpiyansa sa pagbabalik ng aksiyon sa Game Three ngayon ganap na 6:30 ng gabi a Araneta Coliseum.

“I hope ma-sustain namin ‘to. This is a game of adjustments. This is like a chess match,” pahayag ni 2016 Coach of the Year coach Leo Austria,

Tinugon ng Beermen ang panawagan ni reigning MVP Junemar Fajardo na tulungan siya sa pagdepensa sa malaking si import Joshua Smith, sapat para malusutan ang Katropa sa kabila nang mababang produksiyon ni import Charles Rhodes.

Mula sa 31-puntos na produksiyon sa Game 1, nagtala lamang ng pitong puntos si Rhodes.

Gayunman, naniniwala si Katropa coach Nash Racela na hindi si Smith ang kanilang problema kundi ang kawalan ng focus nila sa laro.

“I think we lost our focus and composure in the second quarter,” anang rookie mentor.” Well this is the PBA, the team that losses composure, normally is the team that losses. You have to learn how to take the punches.”

“ I think we have to control our emotions more because things will not change, “ aniya.

“We did not lose because of the import, we lost because of another thing, “ sambit ni Racela.

Patunay sa kanyang sinasabi ang maganda nilang panimula kung saan tinambakan nila ang Beermen, 17-0, ang pinakamalaking run na naitala ng isang koponan sa simula ng serye.

“It’s the same thing, we lost that game because we lost our focus and composure. “