Ni: Jun N. Aguirre

LIBACAO, Aklan - Isang nasa limang buwan na babaeng fetus ang nadiskubre ng mga residente sa isang ginagawang septic tank sa Barangay Poblacion, Libacao, Aklan.

Ayon kay PO2 Floramie Zaspa, assistant chief ng Children and Women Protection Desk ng Libacao Police, nadiskubre ang fetus sa hinuhukay na likod-bahay ng barangay chairman sa Poblacion.

Ayon kay Zaspa, naghuhukay ang mga obrero para gumawa ng septic tank nang matagpuan ang dalawang glass container, nakasilid sa isa ang fetus at placenta naman nito ang nasa isa pa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isasailalim sa awtopsiya ang fetus habang inaalam na ng awtoridad kung sino ang posibleng nagbaon nito sa nasabing lugar.