Ni Nora V. Calderon

CONGRATULATIONS sa Team Meant To Be, mula sa cast, sa production staff at kay Direk LA Madridejos dahil sa malaking tagumpay ng grand finale nila last Friday na may hashtag na #MTBYouAndMeTheKiligFinale.

Barbie at Ken copy

Nag-trending ito nationwide at worldwide dahil inabangan kung sino ang pipiliin ni Billie (Barbie Forteza) kina Yuan (Ken Chan) at Ethan (Ivan Dorschner) nang tanggihan na niya ang panliligaw nina Jai (Addi Raz) at Andoy (Jak Roberto).

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Happy for Ken Chan dahil siya ang pinili ng puso ni Billie.

“Ikaw ang pinili ko, Yuan dahil ikaw ang naalaala ko nu’ng malayo ako, ikaw ang nagpapalakas ng loob ko, ikaw ang gusto kong makasama, kayo nina Luke at Lea, ikaw ang mahal ko,” sagot ni Billie tanong ni Yuan kung bakit siya ang pinili ng dalaga. “Sinunod ko ang bilin ni Mamay (Manilyn Reynes) na sa pagpili ng lalaking mamahalin ko, hindi isip, kundi puso ang gamitin ko.”

Pero masaya rin sina Ethan, Andoy at Jai dahil maligaya si Billie sa totoong mahal niya, si Yuan at sa mga anak nito ang kambal na sina Lea at Luke.

As usual, masama ang loob ng fans ng tatlong boys na hindi napili ni Billie. May nag-comment pang dapat daw ay si Ivan ang nanalo dahil siya ang nanalo sa online voting. Pero sabi nga ng production, kalahati lamang ang boto ng fans at ang kalahati na magdi-decide ay ang writers ng romantic-comedy na umere ng six months sa GMA 7.

Wait na lang tayo dahil may announcement na sa credits ng romantic-comedy na mayroon silang “Part 2 soon.”