Ni JIMI ESCALA

KAHIT hindi pa lubusang napapagaling ng pinasukang rehabilititation center sa Bataan ay pormal nang nagpaalam si Jiro Manio sa mga namamahala nito.

JIRO copy copy copy

Isa lang daw ang ibinigay na katwiran ng actor kung bakit titigil na siya sa pagpapagamot, gusto na niyang makasama ang pamilya niya.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Siyempre, kahit si Ai Ai delas Alas ang nagpasok at gumastos sa pagpapagamot kay Jiro, wala na rin namang magawa ang mga namamahala ng rehab center kundi payagan si Jiro.

Nasa hustong gulang na ang aktor upang magdesisyon para sa sarili, at kahit pilitin pa ng mga namamahala ng center na ituloy ng actor ang rehab ay wala na silang magagawa.

“Alangan namang pilitin pa nilang manatili si Jiro sa rehab na ‘yun, eh, mismong may katawan ang may ayaw na,” sey ng isang katotong malapit sa actor.

Pero nangako raw naman si Jiro na kahit umuwi na ito sa pamilya ay tutulong ito sa kanyang sariling pamamaraan sa mga adbokasiya ng rehabilitation center.

Nangako rin si Jiro na tuluyan na siyang magbabagong-buhay at ganoon na lang ang pasasalamat niya kay Ai Ai na ginawa ang lahat ng paraan para maipagamot siya.

Matandaang umayaw si Ai Ai na lisanin ni Jiro ang rehab center dahil hindi pa raw ito lubusang magaling at natatakot ang premyadong aktres/komedyana na baka bumalik sa dating bisyo ang itinuring niyang anak-anakan.