Ni: Marivic Awitan

Nakatakdang magsimula ng kani -kanilang kampanya ang defending champion San Beda at last season losing finalist Arellano sa opening day ng 93rd NCAA Men's Basketball Tournament sa magkahiwalay na laban sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hulyo 8.

Nakatakdang makasagupa ng Red Lions ang season hosts San Sebastian College Golden Stags sa pambungad na laro ganap 2:00 ng hapon.

Makakasagupa naman ng Chiefs ang Mapua Cardinals ganap na 4:00 ng hapon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Lalaro ang Chiefs na wala ang ace playmaker na si Jiovani Jalalon, na umakyat na sa PBA, habang wala na rin sa Mapua ang back-to-back MVP at Defensive Player awardee na si Allwell Oraeme.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Hulyo 11 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kung saan may nakatakdang triple-header na kinatatampukan ng tapatan ng University of Perpetual Help at College of St. Benilde ganap na 12:00 ng tanghali, na susundan ng salpukang Jose Rizal University-Lyceum ganap na 2:00 ng hapon at ng sagupaan ng Letran-Mapua ganap na 4:00 ng hapon.