Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Nakasalang ngayon sa masusing imbestigasyon ang isang public school teacher sa bayan ng Moncada matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion 3 sa Gerona, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni PO3 Artem Balagtas ang inaresto na si Oscar Linsao, Jr., 49, may asawa, Department of Education (DepEd) Teacher 1 ng Sitio Carapdapan, Bgy. Poblacion Norte, Paniqui, na umano’y nagbenta ng isang plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog