Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Batangas vs AMA Online Education

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5 n.h. -- Zark’s Burgers vs CEU

PARA kina coach Yong Garcia ng Centro Escolar University at Zark’s Burgers mentor Jade Padrigao tila nabunutan sila ng tinik makaraang makamit ang kani-kanilang unang tagumpay.

Ngunit, maghihiwalay ang dalawa para tugunan ang posibleng winning run sa pagtutuos sa tampok na laro ngayon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Masaya si Garcia sa nakopong unang panalo ng kanyang school-based core na sasandigan niya ngayong conference.

“Wala kaming recruits eh, so puro CEU ito. We know na yung pressure is always there, pero sinasabi lang namin na ito na yung chance nila para mabigyan ng exposure at ma-showcase nila yung talent nila. We just have to grab the chance,” aniya.

Sa kabilang panig, target ni Padrigao na masundan din ang 109-91 panalo ng Zark’s kontra AMA Online Education nitong Lunes.

“At least, wala na yung jinx,” ani Padrigao na muling sasandig kina Robby Celiz at James Mangahas para pangunahan ang Jawbreakers.