NI: Lyka Manalo

BALAYAN, Batangas - Patay ang isang pinaghihinalaang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang magsagawa ng raid sa Balayan, Batangas.

Dead on arrival sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital si Jose Mortel, alyas Pepeng Tangkad, 58 anyos.

Ayon kay Senior Insp. Allan De Castro, hepe ng Balayan Police, nagsasagawa ng raid ang mga pulis sa lugar ni Mortel sa Barangay District 10 nang manlaban umano ang suspek na nauwi sa engkuwentro dakong 4:50 ng umaga nitong Martes.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Ang raid ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court (RTC) sa San Pablo City, Laguna.