Ni JIMI ESCALA

SPECIAL guest sa kaarawan ng mommy ni Matteo Guidicelli na si Mrs. Glenna Guidicelli last Thursday ang future daughter-in-law na si Sarah Geronimo. Siyempre, tuwang-tuwa ang buong pamilya ni Matteo at walang duda na tanggap ng mga ito si Sarah bilang bagong member ng pamilya.

Mateo at Sarah copy copy

Halos lahat pala ng mahahalagang okasyon ng pamilya ni Matteo ay present si Sarah kaya puwedeng sabihing bahagi na ng Guidicelli family ang singer/aktres.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Sey ng source namin, lumipad papuntang Cebu si Sarah para lang makasama ang actor at ang buong pamilya nito. Lalo naman siyempreng napapamahal si Sarah sa mga kamag-anak ni Matteo.

Dagdag komento naman ng isa pang taong malapit kay Matteo, masuwerte si Sarah sa binata dahil bukod sa may prinsipyong tao ay nakakasigurado na buo ang support system ng pamilya nito.

Samantala, naglabasan ang sexy photos ni Matteo sa Instagram na kuha sa training ng actor sa mga sasalihang triathlon. Pinagpipistahan ngayon ang super-yummy na katawan ni Matteo na naka-swimming trunks lang.

“Jackpot talaga si Sarah. Marami tuloy ang naiinggit sa kanya. Siguro kung ako lang ang kasintahan ni Matteo, eh, hindi ko na patatagalin ang relasyon namin. Papakasal na ako sa kanya kesehodang haharangan pa ako ng sibat ng kamag-anakan ko,” natawang banggit ng isang magandang nursing student na fan ni Matteo.

Banggit pa ng isang katoto namin, isa si Matteo sa mga actor na walang arte pagdating sa pagpapakita ng katawan.

“Sana nga, magkaroon siya ng more projects na medyo sexy,” sey pa ng katoto.