LOS ANGELES (AP) — Nakipagkasundo ang Los Angeles Lakers para i-trade sina second year point guard D’Angelo Russell at high-priced center Timofey Mozgov sa Brooklyn Nets kapalit ni big man Brook Lopez at 27th overall pick ngayong NBA drafting, ayon sa tatlong opisyal na may direktang kinalaman sa usapin.

FILE - In this Saturday, March 4, 2017, file photo, UCLA guard Lonzo Ball dunks during the first half of an NCAA college basketball game against Washington State in Los Angeles. Ball is expected to be a top pick at the NBA Draft on Thursday, June 22. (AP Photo/Mark J. Terrill, File)
FILE - In this Saturday, March 4, 2017, file photo, UCLA guard Lonzo Ball dunks during the first half of an NCAA college basketball game against Washington State in Los Angeles. Ball is expected to be a top pick at the NBA Draft on Thursday, June 22. (AP Photo/Mark J. Terrill, File)

Tumangging magbigay ng karagdagang detalye ang naturang source ng Associated Press dahil hindi pa pinapayagan ang trade hangga’t hindi nasisimulan ang 2017 drafting. Aniya, nagdesisyon ang Lakers management, sa pangunguna ni Magic Johnson para sa bagong porma ng Lakers.

Naitala ni Russell, No.2 overall sa 2015 drafting, ang averaged 15.6 puntos at 4.8 assist, ngunit bigo itong sandigan ang Lakers na dumausdos sa standings sa nakalipas na dalawang season mula nang lisanin ng future Hall-of-Famer Kobe Bryant.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bunsod ng desisyon, luminaw ang usap-usapan na interesado ang Lakers kay UCLA point guard Lonzo Ball na inaasahang magiging No.2 sa gaganaping NBA drafting sa Huwebes. Tahasan na ang kagustuhan ng Philadelphia na gamitin ang pagiging top pick para kunin si Markelle Fultz.

Nais ng Lakers na mapaluwag ang ‘salary cap’ na lubhang masikip sa malaking kontrata ni Russell, gayundin ang US$64 milyon na kontrata ni Mozgov.

Sa pagkawala ni Russell, malaki rin ang tsansa na maligawan ng Lakers si Indiana star Paul George, gayundin ang posibilidad na paglipat sa Hollywood ni Cavs star LeBron James sa 2018 bunsod nang paghina ng pundasyon ng Cleveland matapos matalo sa Golden State Warriors sa limang laro ng Finals.

Ikinatuwa ni Johnson ang nabubuong senaryo, higit at matagal nang hinihiling ng mga fans ang muling pagsirit ng Lakers bilang ‘super team’.

Hindi naman estranghero si Lopez dahil naibuhos niya ang siyam na taon ng katunayang career sa kanyang tahanan sa Hollywood. May nalalabi pang isang season si Lopez sa Brooklyn na may suweldong $22.6 million.