Edgar-Allan copy

NI: Nitz Miralles

NAG-OBER da bakod muna si Edgar Allan Guzman dahil pagkatapos mapanood sa Doble Kara ng ABS-CBN, sa GMA-7 naman siya regular na mapapanood sa My Korean Jagiya na pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

Nag-storycon na sila noong isang araw at kung ito ang ipapalit sa My Love From The Star, malapit na ngang magsimulang mag-taping si Direk Mark Reyes.

After the storycon, ipinost ni Edgar Allan ang picture nila ni Heart na nilagyan niya ng caption na “Excited to work with you #MyKoreanJagiya @iamhearte.” Hindi pa alam kung si Edgar ang isa sa leading man ni Heart dahil ang unang nabalita, Korean actor ang makakapareha ng aktres.

KILALANIN: Si Juan Miguel Cuna, ang bagong acting DENR chief

Anyway, may Kapamilya fans si Edgar na nagtatampo sa paglipat niya sa GMA-7. Sana intindihin ng fans na trabaho lang ito at baka sa next show niya, balik siya sa ABS-CBN. Walang exclusive contract si Edgar sa alinmang network, kaya libre siyang magpalipat-lipat.

Saka, nag-iipon si Edgar dahil balak na niyang patayuan ng bahay ang nabiling lote (sa Antipolo yata ‘yun). Ireregalo niya ang bahay para sa kanyang ina.