Ni: Marivic Awitan

TUMAPOS na magkasalo sina San Miguel Beer point guards Alex Cabagnot at Chris Ross bilang mga nangungunang mga kandidato para sa Best Player of the Conference statistical race sa pagtatapos ng 2017 PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Batay sa statistics na ini -release nitong Lunes, magkasalo sina Cabagnot at Ross na umakyat mula sa ikawalong pwesto pagkatapos ng eliminations na kapwa may taglay ngayong 34.125 statistical points (SPs).

Nagpatuloy ang magandang nilalaro ni Cabagnot na may average na 15.1 puntos, 6.6 rebounds, 5.1 assists, at 1.2 steals sa nakaraang semifinals.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ang reigning Defensive Player of the Year na si Ross naman ay nagtala ng average na 13.2 puntos, 5.2 board, league-best 8.1 assist at 2.9 steal.

Kinumpleto naman ng kanilang kakampi at defending three-time Most Valuable Player na June Mar Fajardo ang 1-2-3 finish para sa SMB sa pagtapos nitong pangatlo na may 33.067 SPs.

Kasunod nila bilang pang -apat si GlobalPort slasher Stanley Pringle na may 32.538 SPs, panglima si TNT star playmaker Jayson Castro na may 32.467 SPs.

Kabilang sa top 10 sina Ginebra big manJapeth Aguilar (32.400 SPs), Meralco rookie Baser Amer (30.714 SPs), isa pang San Miguel guard na si Marcio Lassiter (30.188 SPs), GlobalPort’ gunner Terrence Romeo (29.667 SPs), at Ginebra court general LA Tenorio (29.563 SPs).

Nangunguna naman si Star reinforcement Ricardo Ratliffe sa labanan para sa top import sa itinala nitong 61.556 SPs matapos mag- average ng league-best 32.22 puntos, 20.78 rebound, 2.89 assists, at 2.33 block.

Kasunod niya si Greg Smith na may 52.909 SPs para sa Blackwater,Justin Brownlee ng Ginebra (52.500 SPs), Cory Jefferson ng Alaska (47.417 SPs), at Jameel McKay ng Phoenix (46.455 SPs).