Ni: Reggee Bonoan

HALA, anong nangyayari kay James Reid? Kaliwa’t kanan ang bash sa kanya ng sariling fans na magrereklamong matagal na siyang hindi napapanood sa TV ‘tapos mega-absent pa sa It’s Showtime noong Sabado.

James-Reid-copy

Sa show na nga lang daw mapapanood sanang magkasama sina James at Nadine Lustre dahil wala silang regular show sa ABS-CBN pero hindi pinagbubuti ng aktor ang trabaho.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Trulili kayang fans ng JaDine ang nagsabing umalis na lang sila sa It’s Showtime kaysa laging absent dahil laging puyat sa kapa-party at nasabi pang hindi na sila ‘stupid’ para maniwala sa mga alibi ng aktor.

Bumalik na naman ba sa dating ugali si James o hindi naman talaga siya nagbago noon pa man?

Akala pa naman namin seryoso na siya sa trabaho o nagbago. Sinabi pa naman namin sa mga executive ng Viva na linisin ang pangalan ni Nadine dahil negative ngayon sa mga pinagpo-post nila sa social media na puma-party din.

Iyon pala itong si James ang kailangan ng vacuum ngayon para malinis nang husto ang pangalan dahil mismong si Vice Ganda ay nakapag-one line na, “pumasok din ‘pag may time.”

Oo nga naman, kung tutuusin ay hindi kailangan ng It’s Showtime ang JaDine dahil mataas ang ratings nila at sapat na sina Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Billy Crawford, Anne Curtis at Vice bilang hosts ng programa.

Wala rin naman ding puwedeng itulong sina James at Nadine dahil wala rin naman silang halos mai-contribute sa banter sa mga nabanggit. Kung baga, palamuti lang sila sa show na puwedeng daanan lang ng camera.

Kung tutuusin ay ang JaDine ang magbe-benefit sa It’s Showtime, hindi sila ang programa.

At ano nga ba ang nangyari at walang serye sina James at Nadine?

Sabi sa amin ng executive ng Viva, magkakaroon daw ng serye next year dahil ngayong taon ay pelikula raw ang gagawin ng dalawa.

Sana naisip ni James na walang ‘forever’ pagdating sa kasikatan. Alalahanin niya marami siyang bayarin.