PINASUKO ng Colegio de San Lorenzo-V Hotel ang Philippine National Police, 106-64, habang pinayuko ng Diliman College-JPA Freight Logistics ang Manuel Luis Quezon University-Victoria Sports, 69-59, sa magkahiwalay na knockout match upang sungkitin ang semifinal berth nitong weekend sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Ibinaon sa limot ng Griffins ang nakalipas na kabiguan at ibinuhos ang galit sa Responders upang itakda ang kanilang semifinal duel laban sa No. 2 seed Philippine Christian University.

cdsl copy

Ang Blue Dragons ni coach Rensy Bajar ang naglaro ng inspirado at binigo ang hamon ng Stallions para iselyo ang hiwalay na semifinal encounter laban sa top seed FEU-NRMF-Gerry’s Grill.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ang Tamaraws at Dolphins, tumapos na top two team matapos ang elimination round, ang may tangan na twice-to-beat advantages sa semis ng kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry’s Grill.

Limang players, sa pangunguna nina James Castanares at Algie Baldevia, ang umiskor ng husto para sa Griffins nina manager Jimi Lim at coach Boni Garcia.

Kumana si Castanares ng 15 puntos kasunod sina Baldevia na may 13 at Jon Gabriel at Dominic Borja, na may tig-12 puntos.

Nanguna si Julius Criste para sa PNP sa kanyang 12 puntos.

Ang 42-point winning margin ng CdSL laban sa PNP ay isa sa pinakamalaki sa 18 taong liga kung saan nalagpasan nito ang 37 puntos na lamang ng FEU laban sa Emilio Aguinaldo College nitong Abril.

Ang Diliman College, na nasa cloud nine pa matapos masungkit ang titulo sa nakalipas na Fr. Martin’s Cup, ay sumandal kina Rickson Gerero, Jonathan Regencia at Kristoffer Torrado para walisin ang MLQU-Victoria Sports.

Iskor:

(Unang laro0First game

CdSL-V Hotel (106) -- Castanares 15, Baldevia 13, Gabriel 12, Formento 12, Borja 10, De la Cruz 8, Chabi Yo 6, Calizo 6, Laman 5, Vargas 4, Paclarin 4, Callano 3, Gohar 3, Rosas 3, Nuyda 2.

PNP (64) -- Criste 16, Cabrera 11, Elopre 10, Gonzales 6, Dia 4, Nicolas 4, Santiago 4,

Ongutan 4, Tolentino 3, Bayabao 2.

Quarterscores: 35-22, 66-34, 87-52, 106-64.

(Ikalawang laro)

Diliman-JPA Freight (69) -- Gerero 16, Regencia 14, Torrado 10, Bauzon 8, Angeles 7, Onggulo 5, Salazar 4, Corpuz 3, Ligon 2.

MLQU-Victoria Sports (59) -- Grimaldo 20, De la Cruz 13, Rivera 8, Lao 6, Detubio 3, Asturiano 3, Sumay 2, Jamila 2, Fabila 2.

Quarterscores:: 21-19, 37-29, 49-38, 69-59.