SINGAPORE — Parehong nabigo ang dalawang Pinoy fighter sa kanilang debut sa Universal Fighting Championship (UF) Fight Night 111 nitong Sabado sa Singapore Indoor Stadium.
Kinapos si CJ de Tomas kontra Japanese Naoki Inoue via unanimous decision, habang inihinto ng ring doctor ang laban ni Rolando Dy – anak ng kontrobersyal na dating world champion Rolando Navarette – na lubhang nadomina ni American Alex Caceres sa unang round ng laban.Sumabak ang dalawa sa preliminary fight ng UFC tampok ang duwelo sa pagitan nina women’s champion Holly Holm at Bethe Correia.
Maagang nadomina ni Inoue si De Tomas, ngunit sa second round lamang tuluyang nakaiskor ng todo ang Hapones. Nakakuha ng pagkakataon si De Tomas na maagaw ang panalo nang tamaan niya ng siko at magroge ang karibal sa kaagahan ng third period, subalit nakabawi si Inoue tungo sa panalo sa puntos.
Nakuha ni Inoue ang iskor na 30-26 mula sa tatlong hurado para makamit ang ika-11 sunod na panalo at manatiling malinis ang karta sa UFC, habang bumagsak ang karta ni De Tomas sa 8-1.
Hindi naman umayon ang pagkakataon kay Dy, isang replacement matapos umatras ang orihinal na makakalaban ni Caceres.
Matikas na nakihamok si Du,subalit nanaig ang bilis at karanasan ni Caceres para maitala ang knockout win sa third round.
Bunsod nang pamamaga sa kanang mata ni Dy, nagdesisyon ang mga doctor na itinigil ang laban para makamit ni Caceres ang ika-13 panalo sa 23 laban, habang bumagsak ang marka ni Dy sa 8-5-1.
Sa main event, naputol ni Holm ang three-fight losing streak ng patulugin si Correia may 31 segundo sa laban. Sumirit ang career ni Holm nang maitala ang TKO win kay UFC superstar Ronda Rousey noong 2015. - PNA