BOSTON (AP) – Nagkasundo ang Philadelphia at Boston para sa trade ni Markelle Fultz – ipinapalagay na No.1 pick sa NBA Draft – sa 76ers, ayon sa opisyal na may direktang kinalaman sa usapin sa The Associated Press.

Markelle Fultz (AP Photo/Greg Beacham)
Markelle Fultz (AP Photo/Greg Beacham)
Makukuha ng Celtics sa naturang trade ang No. 3 pick, gayundin ang karapatan sa first-rounder sa 2018 o 2019, ayon sa source nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Aniya, nakumpleto ang usapan nang sumama si Fultz sa training camp ng Philadelphia kamakailan.

Sa naging kasunduan, nakuha ng Philadelphia ang No.1 slection sa NBA Drafting sa ikalawang sunod na taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Suot ang Philadelphia cap, dumating si Fultz sa practice facility ng 76ers kung saan nakaharap niya ang iba pang opisyal ng koponan at mga player.

"I don't really pay attention to everything that's going on," pahayag ni Fultz. "I'm truly blessed to be in this position. Whatever happens, I'm looking forward to taking my talents to wherever I go."

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, ang pagkakasunod-sunod ng draft sa nakatakdang Drafting sa Huwebes (Biyernes sa Manila) ay Philadelphia sa No. 1, Los Angeles Lakers sa No. 2, Boston sa No. 3 at Phoenix sa No. 4.

Kabilang si Fultz ang mga sumisikat na player sa collegiate league at kung matutuloy siya sa Philadelphia, may dalawang oras na biyahe lamang ang layo niya sa kanyang tahanan sa Upper Marlboro, Maryland.

"It would be pretty cool. Just being with a young team," pahayag ni Fultz. "The upside of it would be crazy. I'm close to home, so a lot of my family can come out and just show love. This city has great fans."

Naitala ng 6-foot-4 guard ang averaged 23.2 puntos, 5.7 rebound at 5.9 assist sa 25 laro sa Washington. Pinangunahan niya ang Pac-12 sa scoring at No. 6 sa Division I player.

"I'll do whatever it takes to help any team I go to win," ayon kay Fultz.