jak at barbie copy copy

SA istorya ng Meant To Be, wala pang napipili si Billie (Barbie Forteza) sa apat niyang leading men na sina Yuan (Ken Chan), Ethan (Ivan Dorschner), Jai (Addy Raj) at Andoy (Jak Roberto). Pero sa real life, mukhang si Jak na ang ka-meant to be ni Barbie.

Kahit itinanggi na may namamagitan sa kanilang dalawa bukod sa magka-love team at kahit nabanggit ni Barbie na kaya si Jak ang madalas niyang nakakasamang lumabas dahil madaling yayain ang aktor, iba pa rin ang nangyayari in real life.

Muling nakitang magka-date sina Barbie at Jak kamakailan sa isang restaurant sa UP Town Center sa Katipunan. Hindi pang-magkaibigan at pang-magka-love team ang sweetness na nakita sa kanila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa June 23, ang finale episode ng Meant To Be, malalaman na kung sino sa apat na kapareha ang pipiliin ni Billie.

Tiniyak ni Direk LA Madridejos na may pipiliin si Barbie at handa na si Direk LA, ang creative at production staff sa magiging reaction ng viewers at fans ng leading men na hindi mapipili ni Billie.