Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang negosyante ang binaril at napatay sa Cauayan City, habang sugatan naman at inoobserbahan pa sa ospital ang isa pang babaeng binaril din sa Barangay District 1 sa San Manuel, Isabela.

Hanggang kahapon ay hindi pa rin matukoy ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril kay Domingo Pulido Jr., 45, ng Bgy. Alinam, Cauayan City, Isabela, na binaril ng hindi nakilalang motorcycle rider habang naglilinis ng sasakyan dakong 6:40 ng umaga nitong Lunes.

Samantala dakong 10:45 ng gabi ng araw ding iyon nang barilin si Lorelie Capule, 36, ng Bgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela, habang nakatayo sa harap ng isang videoke bar sa Bgy. District 1 sa San Manuel.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon kay PO3 Florentino DC Angeles Jr., hirap pang magsalita ang biktima kaya hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril.