Ni: Mina Navarro
Mahigit 500 immigration officers na nakatalaga sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang binalasa bilang bahagi ng patuloy na programa ng Bureau of Immigration (BI) upang masupil ang katiwalian at mapabuti ang serbisyo ng kawanihan.
“Fraternization has long been pinpointed as a major source of corruption among employees in government. It is this familiarization that we are trying to prevent by implementing this scheme,” paliwanag ni Commissioner Jaime Morente.
Sinabi ni Morente, na inatasan niya ang BI port operations division na ipatupad ang rotation scheme tuwing apat na buwan sa halip na anim na buwan.