Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Ginebra vs TNT

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

TATANGKAIN ng Talk ‘N Text Katropa na tuluyang ibaon sa kabiguan ang Barangay Ginebra Kings sa kanilang pagtutuos sa Game 3 ng best-of-five semifinal series ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Pinasabog at ginulantang ng Katropa ang Kings sa unang dalawang laro ng serye.

Ganap ng mawalis ang Kings ang hangad ng Texters sa pagtutuos nila ngayong 7:00 ng gabi.

Nakuha ng TNT ang 2-0 bentahe sa serye matapos muling pataubin ang Kings nitong Martes sa MOA Arena kasunod ng 100-94 na panalo nila noong Game 1, Hunyo 11 sa parehas ding venue.

“It’s a surprise because it’s Ginebra. You don’t get this kind of advantage against them,” pahayag ni Talk N Text coach Nash Racela.

Gayunman, naniniwala si Racela na ang commitment ng kanyang mga players at buong pusong pagtanggap sa kanyang sistema bukod sa pagdating ng aniya ‘y tamang import na si Joshua Smith ang dahilan ng kanilang panalo.

Kung sakali, matatapos na rin ang tatlong taong paghihintay ng Texters na muling makapasok ng finals.