Ni; Rommel P. Tabbad

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion to quash ng pitong opisyal ng Philippine Army at Philippine National Police sa kasong kriminal na isinampa ng mga miyembro ng “Morong 43” na inaresto at ikinulong ng mga ito matapos paghinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Morong, Rizal noong 2010.

Nagdesisyon ang 7th Division ng hukuman na ibasura ang kahilingan nina Lt. Gen. Jorge Segovia, Col. Aurelio Baladad, Col. Joselito Reyes, Lt. Col. Cristobal Zaragoza, Supt. Marion Balonglong, Supt. Allan Nobleza at Capt. Jovily Cabading dahil sa “kawalan ng sapat na merito.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter