san beda copy

PINALUHOD ng Diliman College Blue Dragons ang Letran Knights, 91-85, sa semifinals ng 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament nitong Lunes sa St. Placid gymnasium sa San Beda Manila campus.

Hataw si Adama Diakhite sa nakubrang 28 puntos, habang kumana si Rickson Gerrero ng 27 puntos para sa Rensy Bajar-coached Blue Dragons.

Ito ang unang pagkakataon na makausad ang Blue Dragons sa championship round. Makakaharap nila ang magwawagi sa duwelo sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College Generals at Centro Escolar University Scorpions.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa women’s division, ginapi ng National University ang University of Santo Tomas, 60-56, para maisaayos ang finals showdown kontra La Salle Lady Archers.

Nanguna si Ria Nabalan sa NU Lady Bulldogs sa naiskor na 12 puntos. Hataw naman si Camille Claro ng 20 puntos sa 64-61 panalo ng Lady Archers kontra Enderun College.

Sa junior action, pinatalsik ng Letran Squires ang Chiang Kai Shek College, 84-79, para maisaayos ang championship match kontra San Sebastian Staglets.

Nagwagi ang Staglets, sa pangunguna nina Damie Cuntapay at Raymund Umayao na kumana ng tig-21 puntos, ang San Beda-Rizal Red Cubs, 95-85.