EMPOY AT ALESSANDRA copy

Ni: Reggee Bonoan

PAWANG positibo ang feedback sa trailer ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo, ang direktor ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

Kaya pinanood din namin ang trailer sa YouTube bago namin tinipa ang item na ito. Hindi pala kasi ito typical na love team movie na guwapo at maganda ang mga bida, pero may kilig ang partnership nina Alessandra at Empoy, ha?

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Akalain mo, puwede naman palang gawan ng rom-com movie ang isang maganda at hindi kaguwapuhang lalaki pero sobrang bait, maasikaso, at matiyaga kaya siya nagustuhan.

‘Yun nga lang, bulag kasi ang character ni Alessandra kaya nahulog nang husto ang loob niya kay Empoy na hindi niya alam na hindi guwapo.

Nakaganda sa pelikula ang magagandang scenery ng Osaka, Japan na pinagsiyutingan si Direk Sigrid noong Agosto-Setyembre, 2016.

Kung ipinalabas siguro ito noong nakaraang taon din, malamang na napasama ito sa unang Eddys Awards ng SPEED dahil maganda ang istorya at hindi gasgas na tulad ng iba.

Fresh ang love team nina Alessandra at Empoy na puwede sanang tawaging millenial love team, kaso napunta na ang title na ito kina Kisses Delavin at Marco Gallo ng PBB Lucky 7.

Aabangan namin ang Kita Kita movie sa Hulyo 19 dahil gusto naming matawa, at sabi ng mga nakapanood, may may kurot sa puso sa bandang huli ng kuwento. (Reggee Bonoan)