Ni: Leo P. Diaz
ISULAN, Sultan Kudarat - Naniniwala ang pamunuan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na may plano rin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na makuha ang atensiyon ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), gaya ng Maute Group, makaraang makitaan ng bandila ng international terrorist group ang gamit ng apat na bandidong napatay sa bakbakan sa Maguindanao kamakailan.
Kinilala ni Capt. Arvin Encinas ang mga nasawing miyembro ng BIFF na sina Malik Badrudin, Ali Abdul Malik, Kalon Mabang, at Mohaiden Mando, na kabilang sa sumalakay sa posisyon ng militar sa Barangay Pusao, Datu Sarip Saidona.
Ang iba pang kagrupo ng apat ay nakakalat naman umano sa mga bayan ng Mamasapano, Shariff Aguak, Salvo at Pagatin sa Maguindanao.