KC_pls remove watermark copy copy

MARIING itinanggi ng isa sa mga beneficiary ng Verlanie Foundation na nakausap namin ang namumuong isyu na wala raw ginagawa para sa krisis sa Marawi City ang UN World Food Programme ambassador for hunger na si KC Concepcion.

Sabi nito, hindi lang daw kasi mahilig si KC na ibandera ang ginagawang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Tuluy-tuloy daw ang pagtulong ni KC sa mga taga-Mindanao kaya siyempre pang aktibo ito sa relief operations para sa mga mga biktima ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi birong tulong na raw ang naibibigay ni KC sa mga kababayan natin. Nagtaka lang daw ang source kung bakit naiintriga pati ang paghahanap ni KC ng isang bagong sasakyan.

Nag-post kasi si KC sa Instagram ng, “Thinking of getting a new car I can drive around Manila, Tagaytay, Baguio, etc. Missing my red Rover! Any suggestions?”

May post din si KC tungkol sa nakatakdang paglipat niya ng tirhan mula sa isng five-star hotel.

“Wala kaming nakitang masama sa post niya. Ngayon kung sinasabi nilang mas iniuna ni KC ang pag-post ng mga ganyang bagay kaysa pagtulong sa mga taga-Marawi, well, nagkakamali sila,” seryosong banggit ng isa sa mga naging beneficiary ni KC.

Lahad pa ng source, kahit walang project ngayon si KC, may mga raket pa rin ang aktres at hindi rin biro ang halagang naipundar ng dalaga kaya malaya itong nakakapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. (JIMI ESCALA)