OAKLAND, California (AP) — Anumang angulo sa pagtira, mapalayo man o sa driving lay-up, tunay na kahanga-hanga si Kyrie Irving – higit at nasa kritikal na sitwasyon ang Cleveland Cavaliers.

Iginiit ni LeBron James na natatangi ang katangian ni Irving sa ang kanyang kabayanihan sa krusyal na sandali at isang karanasan na dapat matutunang labanan ng Golden State Warriors sa nakalipas na dalawang taon.

Mas tumataas ang level ng competitiveness ni Irving sa sitwasyong nakalubog ang mga paa ng Cavaliers sa kumunoy ng kabiguan.

“It’s a time to definitely show everything that you’re made of in those moments,” sambit ni Irving nitong Linggo (Lunes sa Manila) habang naghahanda para sa Game 5 sa Lunes (Martes sa Manila).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tulad sa nakalipas na season, naghahabol ang Cavs sa 1-3 sa harapan ng home-crowd sa Oracle Arena.

“You never want to be in those moments of elimination games, but when you are, you want to be as prepared as possible. And regardless of any situation, I always feel like if I do a great job of giving confidence in my teammates and remaining calm in the situation,” aniya.

Hataw si Irving sa naiskor na 40 puntos sa Game 5, tampok ang pitong three-pointer sa markang nagawa ng Cavs (24).

“That’s a big difference,” pag-aamin ni Golden State guard Klay Thompson. “When he’s getting 39 points off 2s, you can live with that. When he’s extending the floor and hitting those 3s, it opens the floor for everybody. We can’t let him do that again. We have to limit that number to two or three. Seven is too many,” pahayag ni Thompson.