Nina JUN FABON at MINA NAVARRO

Nanawagan ng national day of prayers and action for peace ang mga dati at kasalukuyang mambabatas, mga lider ng Katoliko at Protestante, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Isang malaking inter-faith prayer at rally ang gaganapin sa Andres Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall mula 3:30 hanggang 6:00 ng hapon ngayong araw. Kasabay nito ang mga prayer rally sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Kabilang sa mga lider sa rally sina dating senador Rene Saguisag at Wigberto Tañada, mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at National Council of Churches in the Philippines Secretary General Rev. Fr. Rex Reyes, Jr., naglabas ng Unity Statement para sa selebrasyon ng Independence Day.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“On June 12, Independence Day, we, concerned Filipinos from various faiths, sectors and political affiliations, will come together in a day of prayer and action to renew the call for peace and respect for human rights amidst the rising tide of terrorism, martial rule and impunity that threatens to rip the nation apart.”

Anila, dapat ipagpatuloy ang iba’t ibang landas sa kapayapaan batay sa katarungan at ganap na paggalang sa mga karapatang pantao.

Ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon ay: “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin”.

TRABAHO AT NEGOSYO

Mahigit 100,000 trabaho at negosyo naman ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa padiriwang sa ika-119 Araw ng Kalayaan ngayon.

“A total of 680 participating employers will be bringing with them 123,330 local, overseas, and government jobs in the 21 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fairs to be held in 14 regions throughout the country,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Hinikayat niya ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang ibinibigay na pagkakataon ng DoLE na ilapit sa publiko ang employment facilitation service.

Ang mga aplikante ay dapat na magdala ng maraming kopya ng mga sumusunod: resume, 2x2 ID picture, certificate of employment, diploma at/o transcript of records, at authenticated birth certificate.