Nalagutan ng hininga ang isang negosyante habang kritikal ang kanyang misis at bayaw makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Alonzo Jurnillas, 37, may-ari ng isang security agency, ng University of the East (UE) Subdivision, dahil sa mga tama ng bala ng caliber 45 sa katawan.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa kritikal na kondisyon si Leony, 35, at si Joseph Ramirez, nasa hustong gulang, na kapwa tinamaan din ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 9:00 ng umaga, galing sa Maynila, sakay sa pulang Toyota Hilux, ang mga biktima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagsapit sa kanto ng El Mundo Street, 4th Avenue, Caloocan City, sinalubong sila ng dalawang lalaki, na lulan sa motorsiklo, at walang habas na pinagbabaril.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril. (Orly L. Barcala)