PHILIPPINES-UNREST-MILITARY-CONFLICT

ILIGAN CITY – Isang 14-anyos na lalaki ang nasawi makaraang masapol ng ligaw na bala habang taimtim na nagdarasal sa loob ng mosque sa Marawi City, Lanao del Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa police report, nagdarasal ang binatilyo sa loob ng mosque sa Barangay Datu Saber sa Marawi City kasama ang ilang kaanak nang tamaan ng bala sa ulo.

Batay sa imbestigasyon, tumagos ang bala sa pader ng mosque at nasapol ang binatilyo na noon ay nakaupo sa pagdarasal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang bala ay mula sa matinding bakbakan ng militar at Maute Group sa pagsisikap ng mga sundalo na mabawi sa mga terorista ang Mapandi Bridge.

Muli ring nagpaulan ng bomba ang mga fighter jet ng military sa siyudad, partikular sa Bgy. Bangolo, isa sa tatlong barangay na nananatiling kontrolado ng Maute.