Anne-Curtis-1 copy copy

ITINANGGI ng pinagtanungan naming isa sa mga namamahala ng It’s Showtime ang nakarating na isyu sa amin na nagkatakalan sina Vice Ganda at Anne Curtis nitong Huwebes sa mismong oras ng palabas.

Pero may isa pa kaming nakausap na involved din sa nasabing noontime show na umamin na nagkaroon nga raw ng tensiyon sa studio dahil kina Anne at Vice.

Nagkasigawan daw ang dalawa sa dressing room na dinig na dinig pa nga raw niya dahil ang lakas-lakas ng sigawan ng dalawa.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Naglabasan nga raw ang mga kasama nina Anna at Vice sa dressing room pero mayroon din namang namagitan. ‘Yun nga lang, kahit may umaawat, tuluy-tuloy pa rin ang sagutan ng dalawang host.

Bago kami nagtanung-tanong, ang kuwentong nakarating sa source namin ay aksidente raw na natabig ng suut-suot na damit ni Anne ang inumin ni Vice kaya natapon ang laman at nabuhusan hindi lang ang sapatos kundi pati na ang ipinagmamalaki pa naman daw na kasuotan ng huli, huh!

Super best of friends sina Vice at Anne at kahit anong pang-aalaska ni Vice kay Anne sa harapan man o sa likod ng kamera, natatawa lang ang dalaga. Anumang mga panglalait ng una, pinapalampas ni Anne.

Pero nang hapong iyon daw ay talagang nakipagsagutan na si Anne Curtis at hindi nagpapatalo sa malalakas na bulyaw sa kanya ni Vice Ganda,.

Ang ending, dire-diretso na lang na umalis si Anne habang umiiyak.

Pero sinuman sa staff ay hindi nagsasalita hingil sa nangyari. Kinabukasan ay parehong dumating ang dalawa na “deadma” lang sa pangyayari at hanggang ngayon ay nag-iiwasan. (JIMI ESCALA)