Maine Maldives copy

NAGDIWANG ang AlDub Nation (ADN) nitong Wednesday, June 7, bale second day ni Maine Mendoza sa Maldives, nang i-like na finally ni Alden Richards ang apat na pictures ng actress at nag-tweet pa ng, “Congrats po sa winners! LOL #quadrakill.”

Hindi lamang iyon, nag-comment din siya sa profile picture ni Maine sa Facebook page ng “The #noworryface. Ni-like ni Alden iyong naka-flowery top and shorts si Maine, iyong black bikini niya at ang dalawang poses niya wearing a green bikini.

Mabilis kumalat ang pag-like ni Alden dahil binantayan ito ng ADN at madali ring kumalat ang pagpapasalamat ng mga nanalo dahil nakuha na nila ang ipinangakong gifts ng mga nag-donate.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Marami ang nagpasalamat kay Alden dahil alam daw nilang sinadya nito na hindi agad mag-like para maraming ADNs ang manalo. True enough, tambak-tambak na gifts ang naipon at ipinamigay nila, na nang ilista ay umabot sa two pages ng notebook.

Nag-tweet agad ang nakakuha ng cash gift na may ipangmamatrikula na raw ang kapatid niya. Iyong mga taga-London -- ang Alden UNUK, tumawag nang ayusin ang pagpapasara nila ng Concha’s Garden Cafe para sa dinner dahil parating sila ng bansa bago matapos ang June.

May mga nag-sponsor ng raffle para sa baskets of groceries na dumami nang dumami at ipara-raffle raw nila sa mga nag-like ng post nila, basta narito lamang sila sa Pilipinas. Sure na ring matatanggap ng winners ng gifts ang panalo nila, i-contact lamang ang donors nito.

Sabi nga, mababaw lang ang kaligayahan ng ADN, basta por da lab nila sa kanilang mga idolong sina Alden at Maine, sapat na para sa kanila. (NORA CALDERON)