Napatay kahapon ng umaga ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 3 ang apat na miyembro ng isang gun-for-hire group na kumikilos sa Central Luzon.

Ayon kay Senior Supt. Edwin Quilates, director ng CIDG-3, natanggap nila ang impormasyon tungkol sa pagdaan ng apat na umano’y miyembro ng gun-for-hire group sa Apalit, Pampanga pasado 3:00 ng umaga.

Sa checkpoint ng CIDG, naharang ang apat na suspek na sakay sa dalawang motorsiklo ngunit nanlaban umano ang mga ito kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis.

Nabawi mula sa mga suspek ang tatlong .45 caliber pistol at isang .38 caliber revolver, bukod pa sa isang litrato na posibleng target ng grupo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, kabilang umano ang mga suspek sa “Basilyo” gun-for-hire group na sangkot din sa pagnanakaw at bentahan ng droga. (Fer Taboy)