PARIS (AFP) – Maging ang moderate drinking o katamtamang pag-inom ay iniuugnay sa pinsala sa utak at bahagyang pagbaba ng mental skills o kakayahan ng utak, ayon sa pag-aaral na inilabas nitong Miyerkules na nananawagang kuwestiyunin ang maraming national alcohol guidelines.

Ang kababaihan at kalalakihan na ilang taon nang umiinom ng 14 hanggang 21 “drinks” kada linggo ay dalawa hanggang tatlong beses na mas malaki ang posibilidad na makitaan ng atrophy o pagkasayang sa hippocampus, isang bahagi ng utak na namamahala sa memorya at kakayahang manatiling nakatayo nang maayos kaysa mga hindi umiinom, ayon sa pag-aaral na inilathala sa medical journal na BMJ.

Mas mahina rin ang kanilang performance sa isang specific verbal test, bagamat hindi nagbabago ang ibang language functions. Ang single drink ay tumutukoy sa 10 milliliters ng purong alkohol -- katumbas ng malaking baso ng wine, isang pint ng 5-percent beer, o shot ng spirits gaya ng whisky o vodka.

Nitong nakaraang taon, binago ng British government ang guidelines sa alcohol consumption at ibinaba ang recommended maximum para sa kalalakihan at kababaihan sa 14 “units” o drinks, spread out over a week.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ibang bansa, ang threshold na ito ay mas mataas sa kalalakihan: 35 units sa Spain, 24.5 sa United States, 21 sa Denmark at Ireland, at 19 sa New Zealand.

Gayunman, para sa kababaihan, ang guidelines para sa maximum weekly consumption sa lahat ng bansa, maliban sa Spain, ay 14 drinks o mas mababa.

Marami ang dokumentado hinggil sa negatibong epekto sa utak ng malakas na pag-inom, ngunit iilan at inconclusive ang pananaliksik sa potensiyal na pinsala ng “moderate” consumption -- na hanggang ngayon ay tumutukoy sa karaniwang dalawa o tatlong drinks kada araw.

Para sa karagdagang pagsisiyasat, sinuyod ng mga mananaliksik ng University of Oxford at ng University College London ang data sa 550 kalalakihan na sinubaybayan sa loob ng 30 taon bilang bahagi ng tinatawag na Whitehall II study.

Iniulat ang mga volunteer ang kanilang drinking habits, at regular na nagsagawa ang mga scientist ng brain tests.

Kahit hindi sila alcoholic sa simula.

Ang epekto ng 14 hanggang 21 units ng alkohol sa hippocampus ay malinaw na naipakita sa pamamagitan ng imaging technology.

“Alcohol consumption -- even at moderate levels -- is associated with adverse brain outcomes,” pagtatapos ng mga mananaliksik.