Nagpahayag ng kalungkutan ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa hindi pagpapalaya sa mga natitirang political prisoner, tulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, at nanindigang ito ay tahasang paglabag sa 1995 Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at “betrayal of trust.”

Sa isang pahayag, sinabi ni NDFP peace panel chair Fidel Agcaoili na nagsumite sila ng listahan ng 411 pangalan ng political prisoners para palayain sa iba’t ibang kadahilanan o sa pamamagitan ng amnestiya ni Pangulong Duterte noong Mayo 2016.

Ngunit 39 lamang sa 411 ang napalaya, at nagdagdag ang gobyerno ng 39 pa sa listahan.

Sinabi ni Agcaoili na pumayag ang GRP negotiating panel at nangakong bibilisan ang pagpapalaya sa pamamagitan ng pardon sa Oslo Joint Statement noong Oktubre 9, 2016 ngunit hanggang ngayon ay may tatlong JASIG protected persons pa rin ang nakakulong. (Antonio L. Colina IV)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'