Rafael and Kris 3 copy copy

SA presscon ng Impostora lang nalaman ni Rafael Rosell na crush siya ni Kris Bernal na kinikilig-kilig sa kanya.

Honored siya sa revelation ni Kris na isang magaling na aktres para sa kanya.

First time nilang magkasama sa teleserye at hindi siya na-disappoint sa ipinakita nitong kahusayan sa pag-arte.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May love scene at bed scene ang dalawa at pinuri ni Kris ang pagiging gentleman ni Rafael, hindi nag-take advantage kundi inalalayan pa siya para siguro hindi makitaan ng maseselan na parte ng katawan.

“Kunwari lasing ako sa bed scene namin. Kaya hindi ko alam na virgin pa pala siya at hindi ko napansin na may resistance sa part ng karakter ni Kris. Hindi rin malalaman ni Homer (karakter niya) na hindi talaga siya si Rosette (karakter ni Kris). Ang ganda nga ng story ng Impostora, ang daming tatalakayin. Isa na rito ang focus ng mga Pinoy sa physical beauty at hindi sa ugali. This show will teach the viewers how to look deeper than the physical beauty, the face value,” wika ni Rafael.

Sa June 19, ang pilot ng Impostora mula sa direction ni Albert Langitan na director din ng Rhodora X nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. Kasama nila sa cast sina Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Aicelle Santos, Sinon Loresca at Ryan Eigenmann. May special participation si James Blanco. (Nitz Miralles)