Diego at -Sofia copy

MAHIGIT isang taon na palang sinu-shoot ang horror movie na Bloody Crayons ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Janella Salvador, Elmo Magalona, Ronnie Alonte, Empoy, Maris Racal, Yves Flores, Jane Oneiza at ang love team na sina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Noong una ay si Direk Quark Henares ang direktor ng Bloody Crayons pero dahil nagka-conflict na sa schedule ng isa pang pelikulang ginagawa niya, ang My Candidate ni Shaina Magdayao na ipinalabas na noong nakaraang taon, iniwan niya ang BC.

Nag-take over si Enrico Santos, pero sa hindi malamang dahilan ay hindi rin natuloy kaya si Topel Lee na ang kasalukuyang direktor. Hanggang ngayon ay sinu-shoot pa niya ang Bloody Crayons.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kung hindi iuusog ay sa Hulyo ang playdate ng Bloody Crayons na ang kuwento ay tungkol sa graduating students na nagpunta sa isang resort at isa-isang nalagas.

Hmmm, hawig ba ito sa Friday The 13th?

Speaking of Diego at Sofia, maganda ang feedback ng production sa kanila sa seryeng Pusong Ligaw dahil nagkakatulungan daw ang mag-sweetheart.

Kung ‘yung ibang magkarelasyon ay nagkakproblema sa set kapag may tampuhan, kabaligtaran daw sina Diego at Sofia dahil puro trabaho lang at kung may problema man ay hindi nila ipinapakita sa mga kasama o kaya ay nag-uusap na silang dalawa lang at kapag take na ay okay na agad sila.

Hindi na itinatago nina Diego at Sofia ang kanilang relasyon at nakakatawa na inaabangan pala ng fans ang kissing scene nila sa Pusong Ligaw. Susme, may basbas na ba ang magulang ng dalaga na magkaroon sila ng ganu’ng eksena?

Kasama nina Sofia at Diego sina Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon at Raymond Bagatsing sa Pusong Ligaw na napapanood sa Kapamilya Gold pagkatapos ng It’s Showtime. (REGGEE BONOAN)