Cavs, tutok sa depensa; Warriors, uulit sa Game 2 ng NBA Finals.
OAKLAND, Calif. (AP) — Malinaw ang focus ni Cleveland coach Tyronn Lue: Pigilan ang Golden State Warriors, sa anumang paraan.
Walang puwang ang magaan na opensa para sa Warriors, higit ang maulit na magsiesta si Kevin Durant sa “dunking clinics’.
Asahan ang mas malupit na depensa ng Cavaliers sa pagpalo ng Game 2 ng NBA best-of-seven Finals para sa asam na mapantayan ang serye at makabawi sa kahihiyang tinamo sa Game 1.
Mismong si Durant ay aminadong mas magiging physical ang serye at walang madaling puntos para sa Warriors.
“Well, I’m pretty sure that won’t happen tomorrow,” pahayag ni Durant matapos ang ensayo ng Warriors nitong Sabado (Liggo sa Manila).
“They will be way more physical. They’re going to be way more aggressive in the pick-and-roll on the offensive end and defensively. They’re going to try to get their 3-point shooters going and rebound the ball. They’re going to try to get more offensive rebounds. They’re just going to muck the game up and be physical.”
Hataw si Durant sa naiskor na 38 puntos, tampok ang anim na dunk na pawang libre at walang challenge mula sa karibal.
“We can’t let Durant get easy baskets like that,” sambit ni Lue.
“With him being probably one of the best scorers in the NBA, you can’t give guys like that easy opportunities at the basket.”
Isa pang alalahanin ni Lue ang malimitahan ang kanilang turnover na lubhang nagpasakit sa kanilang sa Game 1 kung saan nagtamo ang Cleveland ng 20 turnover kumpara sa apat na nagawa ng Golden State.
Tangan ang record 13-0 sa postseason, napantayan ng Warriors ang NBA Finals record sa pinakaunting turnover at sa sandaling pumutok din si Klay Thompson mas mahihirapan ang depensa ng Cavs.
“Effort, effort, yep,” sambit ni Kyrie Irving.”And our ability to make sure that when we’re mismatched in transition, that the only thing that matters is stopping the basketball and settling down in the half court, then we match up from there.”
Nagtumpok ng pinagsamang 66 puntos at 18 assist sina Durant at Stephen Curry sa Game 1 para makalapit ang Warriors sa target na maging unang team sa kasaysayan ng NBA na nagkampeon na walang talo sa postseson.
“It’s going to be a wrestling match down there, and you have to keep it going and make it tough for them and just try to wear them out,” pahayag ni Cavs center Tristan Thompson.
Ngunit, maraming paraan ang Warriors para manasala. At aminado si Lue na hindi lamang sina Curry at Durant ang kanyang binabantayan.