Ni NORA CALDERON

Eugene DomingoBACK to work na si Eugene Domingo sa pilot telecast ng number one game show sa GMA-7, ang Celebrity Bluff na after one year na pamamahiga ay muling mapapanood simula ngayong hapon after ng Magpakailanman.

Pagkatapos mag-taping ng ilang episodes ng comedy game show, nagbakasyon muna ng ilang weeks si Uge sa Italy, sa piling ng boyfriend na si Danilo Bottoni, a European film critic. Desidido na rin si Uge na magpakasal na sa boyfriend next year. Masaya para kay Uge ang friends niya, lalo na ang kanyang nanay, kaya pabiro naming tinanong si Uge kung iiwanan na ba niya ang showbiz kapag married na siya. 

Hindi naman daw dahil payag naman si Danilo na ituloy niya ang pag-aartista niya. Magpapabalik-balik na lamang sila sa Italy, at kung masyadong malamig doon, dito na muna sila sa ‘Pinas.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Thankful si Uge sa GMA-7 na ibinigay sa kanya para maging co-host/bluffer niya si Edu Manzano na itinuturing niyang the best game master. Regular bluffers naman sina Boobay at Brod Pete. Meron din silang guest bluffer every episode at mamaya, guest bluffer nila si Alden Richards. 

Magiging contestants naman nila sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon ng Ika-6 Na Utos, Andrea Torres at Rochelle Pangilinan, Jennylyn Mercado at Sheena Halili. Ang mananalo ay tatanggap ng P500K. Si Rico Gutierrez ang director.