Iniulat ni Usec. Director General Isidro Lapeña ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 6 na namataan sa Iloilo ang pangunahing drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido—ngunit bigong maaresto ito.
Ito ang kinumpirma ni PDEA-6 Deputy Regional Director Levy Ortiz makaraang ipagbigay-alam ng isang impormante na namataan si Prevendido nitong Mayo 29 sa LJ Ledesma Subdivision sa Barangay MV Hechanova sa Jaro.
Kaagad na sumalakay ang mga operatiba ng PDEA sa bahay na tinukoy na tinutuluyan ni Prevendido, subalit nakatakas na ang nasabing drug lord.
Kaugnay nito, umabot na kahapon sa P1.1 milyon ang patong sa ulo ni Prevendido. (Jun Fabon)