KRIS copy copy

HINDI pa rin sumusuko si Kris Aquino sa paghahanap ng kanyang “lasting love”.

Sa Instagram post ni Kris last Tuesday, ini-reveal niya ang list of qualities ng susunod na boyfriend na hinahanap niya – bilang kasagutan sa netizen na nag-volunteer na ihanap siya ng potential boyfriend.

“P’wedeng maging choosy? Age dapat plus or minus 7, dapat non-smoker, has to love reading, works out (ayaw nina Kuya and Bimb ang hindi fit), prayerful, and hard working.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Bawal ang drugs and gambling.

“And most importantly good conversationalist and listener.

“Oh, and clear, smooth skin. (Prayer list namin ‘to ni Bimb).”

Sa caption ng post, sinabi rin ni Kris na ang next boyfriend niya ay kailangang samahan siya sa pangarap niyang makapagpatayo ng bahay na may malawak na garden na punumpuno ng flowers at organic plants.

“Flowers everyday are romantic, but I pray for lasting love...

“Someone who will plant a garden with me (preferably in a greenhouse in Tarlac) and we’ll share a life until all our herbs fully mature, our organic produce are edible and our flowers bloom. P.S. And we have 8 giant mango trees.”

Isang male Instagram follower ang nagsabi kay Kris na willing siyang tuparin ang dream ni Kris. Dagdag pa nito, “Okay, I will make... for you and tickle you everyday.”

Sino naman kaya itong IG follower na nagpapahaging ng ‘lasting love’ kay Kris? (Ador Saluta)