ISULAN, Sultan Kudarat – Isang dating tauhan ng Philippine Army at kinakasama nitong babae ang naaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 matapos umanong makuhanan ng nasa P850,000 halaga ng shabu sa Koronadal City nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Kate Abad, tagapagsalita ng PDEA-12, dakong 6:20 ng gabi nang ikasa ang buy-bust at nakumpiska ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu mula kay dating Cpl. Reynaldo Donasco, 38, high value target; at kinakasama niyang si Hanelie Abadorio, 32, kapwa taga-Banga, South Cotabato, at pansamantalang nangungupahan sa Koronadal. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog