HAHAMUNIN ni WBC International minimumweight champion Lito Dante ng Pilipinas si South African IBO mini-flyweight champion Simphiwe Khonco sa Hunyo 10 sa Emperor’s Palace, Kempton Park, Gauteng, South Africa.

Tubong Bohol ang 27-anyos na si Dante na nakalistang No. 13 sa WBC rankings samantalang si Khonco ay nakalisyang No. 3 sa WBA, No. 10 sa WBA at No. 13 sa IBF kaya tiyak na magiging pukpukan ang sagupaan.

Hindi bagito si Dante sa paglaban sa South Africa dahil natalo siya sa puntos kay WBA No. 15 Siyabonga Siyo noong 2015 sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape sa nasabing bansa.

Nakuha naman ni Khonco ang bakanteng IBO minimumweight title nang talunin sa puntos si Siyo noong nakaraang taon sa Emperor’s Palace rin.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Khonco na 17-5-0 kabilang ang pitong knockout kumpara kay Dante na may kartadang 13-7- na may 7 pagwawagi sa knockout. (Gilbert Espeña)