KALIBO, Aklan - Isang lider ng kulto ang inaresto ng awtoridad matapos itong ireklamo sa ilang beses umanong panggagahasa sa isang 18-anyos na dalagang tagasunod nito sa Madalag, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Manuel Sayson, 56, nagpapakilalang punong ministro ng grupong G.O.D AAA KKK.

Ayon sa biktima, inilapit siya sa pari matapos sabihin ng huli na nagpapagaling siya ng mga maysakit.

Gayunman, ginamitan umano ang biktima ng hipnotismo kaya naman ilang beses itong ginahasa sa loob ng ilang buwan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kinasuhan na ng rape si Sayson, na tumangging magkomento sa kaso. (Jun N. Aguirre)