Nanawagan ng tulong si Fr. Teresito “Chito” Suganob, ang Katolikong pari na binihag ng Maute Group sa Marawi City nitong Mayo 23, kay Pangulong Duterte sa isang video na nai-post sa Facebook kahapon.

“Mr. President, please consider us. They(Maute) don’t ask for anything…they just ask that you leave this place peacefully,” sinabi ni Suganob sa isang post ng CBCP News.

“We are in the midst of this war we are asking your help to please give what they are asking for.

“Mr. President, if you want me to kneel before you just to knock your heart in favor of our families who are crying out there in different places, for our relatives… we will do that,” sabi pa ni Suganob.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa pari, ilalagay lamang sa alanganin ng opensiba ng militar ang buhay ng mga bihag ng Maute dahil handa ang mga terorista “to die for their religion”.

Unang lumutang ang video ni Suganob sa Facebook account ng isang “Datumasa Khalid”.

Hindi naman malinaw kung kailan kinuhanan ang video, ngunit sinabi ni Suganob na kasama niya ang 240 pang bihag, kabilang ang ilang babae at paslit. (Leslie Ann G. Aquino)