DAVAO CITY – Handa ang Eastern Mindanao Command (EastMinCom) na tumanggap ng suporta mula sa sandatahan ng mga rebeldeng Moro at maging mula sa New People’s Army (NPA) para tiyakin ang sapat na reinforcement laban sa terorismo sa Mindanao.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Lt. Gen. Rey Leonardo B. Guerrero, commander ng EastMinCom, na handa siyang mag-recruit ng mga nabanggit na rebelde upang makipaglaban sa Maute Group at Abu Sayyaf, gaya ng panawagan nitong Sabado ni Pangulong Duterte sa nabanggit na mga grupo.

“We really welcome any form of support or assistance that could be provided to the Armed Forces of the Philippines to quell terrorism and rebellion that’s taking place in Marawi City. As to how these forces—MILF (Moro Islamic Liberation Front) and Moro National Liberation Front (MNLF)—will be operationalized, it is up to the operational commander in the area,” ani Guerrero.

Sa kanyang pagbisita sa Sulu nitong Sabado, inalok ni Duterte ng kaparehong mga pribilehiyo ng mga sundalo ang mga armadong puwersa ng MILF, MNLF at NPA sakaling tanggapin ng mga ito ang alok

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang Marawi City ay saklaw ng Western Mindanao Command (WestMinCom), sa ilalim ni Maj. Gen. Carlito Galvez.

(Antonio L. Colina IV)