gerald at arci copy copy

NGAYONG araw ang grand presscon ng pelikulang Can We Still Be Friends nina Arci Muñoz at Gerald Anderson mula sa direksiyon ni Prime Cruz produced ng Star Cinema.

Hindi raw ito sequel ng naunang pelikula nina Gerald at Arci na Always Be My Maybe na nagkatuluyan ang characters nila sa ending at kumita ng mahigit isang daang milyong piso.

Nakaka-relate siyempre si Gerald sa titulongCan We Still Be Friends dahil magkaibigan na sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu na leading lady uli niya ngayon sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Siyempre, relate na relate rin sa pelikula si Arci dahil magkaibigan din sila ng ex-boyfriend niyang si Badi del Rosario na bokalista ng bandang Mr. Bones and The Boneyards Circus.

Pareho nang naka-move on ang dalawang bida ng Can We Still Be Friends sa kani-kaniyang ex kaya nga may apple of the eye na uli sila ngayon. Marami ang nagsasabi na nagkakaigihan uli sina Gerald at Bea Alonzo at nali-link naman si Arci kay Daniel Matsunaga na madalas niyang partner sa reality show na I Can Do That kaya tinawag silang DarCi love team.

Kukulitin namin sa presscon si Gerald kung ano na ang real score nila ni Bea na parating sinasabing friends pa rin sila, pero exclusively dating sila, ano ‘yun? Samantalang si Arci naman ay kinikilig kapag itinutukso kay Dandan.

Sana lang hindi sila magmadaling umalis pagkatapos ng Q and A, di ba, Bossing DMB?

(Aliwin natin nang bonggang-bongga ang handlers na laging nanghihila ng artista kapag may presscon sa ABS-CBN. --DMB)