TARLAC CITY - Sabit sa kasong illegal possession of firearms at illegal discharge ang isang tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) matapos magpaputok ng baril sa Zone 2, Barangay San Isidro sa Tarlac City, madaling araw nitong Huwebes.

Batay sa isinumiteng ulat ni PO1 Raffy Calma kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, ang nagpaputok ng baril ay si Sonny Capili, 48, may asawa, at residente sa nasabing barangay.

Nabawi kay Capili ang isang .45 caliber Taurus PT 945 na may apat na bala.

Ayon kay Gerald Tuazon, kagawad ng Bgy. San Isidro, bandang 12:30 ng umaga nang nangyari ang pagpapaputok ni Capili ng baril na kaagad niyang ini-report sa Police Community Precinct-6.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakikipag-inuman umano ang suspek nang biglang magpaputok ng baril. (Leandro Alborote)