Nasa balag na alaganin ang isang ahente ng Optical Media Board (OMB) matapos umano nitong sigawan at pakitaan ng baril ang miyembro ng towing team sa anti-illegal parking operations sa Quezon City.

Ipinag-utos ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso si Ronnie Tampingco, isang OMB agent.

“We will not let this incident pass because we have to protect our people from abusive individuals but we will not also tolerate our personnel who are engaged in illicit activities. We will also apply on them the full force of the law,” ayon kay Lim.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, iimbestigahan nila ang insidente at hindi hahayaan ang sinuman na takutin at abusuhin ang kahit sinong MMDA personnel o manggagawang nililinis ang kalsada.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Napag-alaman na nangyari ang insidente sa panulukan ng Scout Tobias at Scout Limbaga noong Mayo 24, sa ganap na 9:30 ng umaga. Habang kinukunan ng video ni Larry Miravite, towing team leader, ang apat na sasakyan na ilegal na nakaparada sa Scout Tobias, kinompronta siya ni Tampingco at sinimulan siyang sigawan.

Sinabi ni Miravite na sumakay sa kanyang sasakyan ang lalaki at muli siyang kinompronta, itinaas ang kanyang polo shirt at ipinakita ang baril sa kanyang bewang.

Sinubukan kausapin ng mga MMDA personnel ang lalaki na bumalewala sa agency anti-illegal parking personnel at dumiretso sa OMB building sa Scout Limbaga.

Nahatak ng towing team ang isang van, na nakarehistro sa OMB, na ilegal na nakaparada sa lugar.

(ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN at BELLA GAMOTEA)